Just Random Things; writing what comes na-tur-leh
noong nag-aaral pa ko ng column-writing, there is this we call “fragmented column”. Ito, para sa akin, ang pinakamadaling gawin kesa sa editorial at news dahil
Una, hindi kelangan ng bonggang lead o intro at madali lang naman gawan ng ending. wala itong masyadong sinusunod na rules in writing. Well, my name is King and a king knows NO rules! haha
Pangalawa, sa column, pwede kang gumamit ng word na “I” which is my favorite word second to “love”. Syempre, medyo self-centered and hari nyo kaya na-eenjoy ko ang word na “I”.
Pangatlo, straight to the point na, wala na maraming arte arte and you can move from one topic to another kahit parang hindi man nga related na “fragments” pwedeng ipagsama sa isang column.
ngayon, susubukan ko ulit gumawa ng fragmented column gamit ang isa sa mga paborito kong wika (haha para namang andami kong alam na language) …and tagalog.
Ay correction, “Filipino” pala instead of tagalog. Mas tama daw yun.
nagumpisa na ba ang fragmented column ko? hindi pa, inuumpisahan ko palang. eto na
UMPISA
sabi nila, mahirap daw talaga pag umpisa. e.g umpisa ng trabaho o anumang bagay na kinakasanayan mo palang… kagaya ng blog na ito na kapapanganak palang apat na araw nang makalipas.
hindi ko alam kung meron na bang bumabasa sa mga inilalagay ko dito, pero… bahala na, apat na araw palang ito! what do i expect?!
nakadalawang blogs na ako dati. isa sa friendster at isa sa blogger. at wala pang isang buwan, dinedelete ko sila.
a bitch: oh nasan na ung blog mo na sinabi mo sakin dati?
king: wala na dinelete ko na
a bitch: ha? bakit?
king: parang wala naman bumabasa
a bitch: it’s not about the readers. it’s about you and your self-expression. You express yourself through the blog.
(nagenglish sya, syempre dapat ako din)
king: i disagree. if it’s not about the readers, you should have just kept a notebook as your diary
the bitch: I want to save trees.
**********
TREES
sabi nung high school direktor namin sa kanyang speech kopung kopung years ago on a clean/green advocacy , “there are 3 ways i know on how you can be immortal”
1. create beautiful art and literature. pwede. dahil kahit daw mamatay ka, buhay parin ang mga works mo if they are remarkable.
2. do good deeds. dahil sabi nya, “good deeds daw last forever”. pwedi rin. pero paano naman si mama na puro mga kasalanan at pagsuway ko lang naaalala at hindi ang aking mga goooood deeeeds? lol
3. Plant a TREE. eh kapuputol lang ng puno sa may malapit samin! immortal pa ba un? hehe
anyway, i still want to try it sometime. grounding myself and connecting with the element of earth,feeling the dirt… the earthy smell… the texture of the soil, well that is where we came from daw.
i’ll include that in my list of “things to do in 2010″
**********
2010
yes as early as now, meron na kong list ng mga dapat kong magawa sa 2010. medyo marami rami narin sila, some easy and some daring at magrerequire ng plenty of adrenaline and testosterone in me.
i look forward to new years and im so excited for 2010. pero that doesn’t mean na i should neglect the remaining days of my 2009. sabi nga sa Golden Rule ko, “…to dream for the future but most of all, to celebrate the NOW.”
[ I changed my mind. magta-tag-lish nalang muna ako. challenge na ngayon sa akin ang pagsusulat ng filipino. matagal tagal narin kasi akong hindi sumusulat sa wikang ito maliban sa pagte-text, hindi kagaya dati noong ako ay highschool pa at nananalo pa ko noon sa bwan ng wika sa pagsulat ng sanaysay at pagsulat ng tula. kelangan muna akong saniban ng espiritu ni Balagtas -at pagpasensyahan mo na kung nakaka-kati sa mata ang mga mali mali kong punctuations. I'm not in the mood to proofread what i write. just random thought ]
**********
AILEEN
si Aileen ay ang bago naming kasambahay.
at papaano naman napunta kay Aileen?
wala lang. naisipan ko lang siyang isama sa fragmented column na ito dahil nararamdaman ko na ngayon ang kanyang prisensya. gising na sya at ginagawa nanaman ang kanyang morning routines… ang maghugas ng mga pinagkainan kagabi at ang magwalis ng magwalis kahit wala naman akong nakikitang dumi (for formality sake lang daw). kasabay nito ang pagkanta niya ng tagalog songs with her fake falsetto voice na nagugustuhan naman ng aming mga cat.
15 years old pa lamang si Aileen na mukang mas bata pa sa edad nya. oo child labor ito. lol. tiga Laguna daw si Aileen. medyo may kalayuan iyon dito.
1. nung iniwan dito si Aileen (hinatid siya ng kasambahay ng aking ate na siya rin nagrecruit sa kanya), hindi matigil ang kanyang pag-iyak. marahil siguro ito sa kanyang kabataan okaya naman ay hindi sya sanay mawalay sa pamilya o sa probinsya.
pinabayaan lang namin si Aileen, binigyan ng pagkakataong mag-isa at umiyak sa sala. at pagkatapos ng mahabang iyak, bigla syang tumigil. hindi man lamang humupa ng unti unti sa pag-iyak. sudden stop ito. tumigil sya at nagtanong in a strong/parang galit na intonation, “san po yung walis nyo?!“.
itinuro namin sa sanya ang kanyang hinahanap. nagwalis sya ng ilang oras. marahil ay winawalis niya rin ang kanyang dinadama kasabay ng mga alikabok.
2. uma-umaga, nakikipagbonding si Aileen sa aming mga pusa. ginagawa nya itong mga aso at tinuturuan ng tricks. palagi ko syang naririnig na sinasabihan ang mga ito, in a commanding voice, “sit! SIT!” hindi ko alam kung sumusunod sakanya ang mga ito. naririnig ko lamang.
3. palaging nagme-murmur si aileen. minsan ay hindi ko maintindihan ang kanyang mga salita. madalas naman ay hindi nya tinatapos ang kanyang mga sinasabi. “Parang anu si.” “kukunin ko na yung.” at bigla nalang tatahimik okaya naman ay aalis.
may naiiba talaga kay Aileen pero buti naman at nakakapag-adjust na siya rito. nakikitawa na siya sa amin(pero madalang lang) at nasanay narin siya sa aming family insomnia at eating disorder. lol.
humahaba na ang post kong ito at hindi ko alam kung paano ko tatapusin. Bakit hindi ko nalang gayahin si Aileen na hindi tinatapos ang kanyang mga…
END.


